Biyernes, Hulyo 18, 2014

Pinagkukunan ng Likas na Yaman sa Asya3


MGA PINAGKUKUHANAN NG LIKAS NA YAMAN SA ASYA


Mga Anyong-tubig

              Ang mundo ay may mahigit na 70%

katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi

lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan,

marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa

looban nito.
 



1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay
malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents.
             Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro kwadrado.
Karugtong ng Karagatang Pasipiko
ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.
 



2. Ilog - ito ang anyong tubig na dumadaloy mula
sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at
Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.
 


 

3. Lawa - ito ay malawak na anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo

4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat


5. Golpo - ito ay malawak na
karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.



6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look
ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog
at Timog-Kanlurang Asya.





"Ipagmalaki ang ating yaman"

Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito? Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman. Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.


Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang katotohanan.

Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na talaga ang mga ito?

Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ati

Ang  Kabihasnang  Tsino sa Silangang  Asya
 
Ang kabihasnang umusbong  sa  China  ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal,   halinhinang nakaranas   ang   China   ng   pagkakaisa   at   pagkakawatak-watak.   Ang   mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
 
HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO
                      
Tulad ng Mesopotamia at India, ang    kabihasnan    sa    China    ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos  3000  milya.  Dumadaloy  ito patungong      Yellow      Sea.      Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay  dumadaloy  patungo  sa  Yellow Sea.    Ang    dinaraanan    nito    ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa       mahabang       panahon       at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak  na  kapatagan,  ang  North China   Plain.   Ang   pag-apaw   ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro   sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
 
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa  nagsimula  ang  kabihasnan  sa  Lambak  ng  Nile.  Ang  mga  isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na   ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
 


Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya  o  6694  kilometro ang  haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo  bawat taon.  Ang  pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-


baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
 
 
Ang Kabihasnan sa Mesoamerica
Maraming   siyentista   ang   naniniwalang   may   mga   pangkat   ng   mga mangangaso o hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan  ay  mula  sa  baybayin  ng
Honduras   sa   Atlantic   hanggang   sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.


 
Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
 
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
 
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
 
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang  bahagi ng lupain,  may mainit  na  klima  at halos walang   mapagkukunan   ng   suplay   ng   bakal.   Ang   pagkukulang   sa   mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.


                                                                                                                 


Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga  Dravidian. Nag- aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang  kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga  tao.  Nakatira  sa bahagi  ng  moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal.  May  mga  bahay  ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng
tao. Nagtatag  ng  mga  daungan  sa  baybayin  ng
Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na pictogram  na  representasyon  ng  isang  bagay  sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E.            Kapuna- punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang  Indus ang  kilala  sa  kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan


ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.


 

Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000

B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.

May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng  mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.

 

May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.

Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil  sa  paglusob  ng  mga  pangkat  nomadiko-pastoral  mula  sa  gitnang  Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus. Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong  nanirahan  sa  lambak  ng  Indus.  Dumating  ang  mga  Aryan  sa  panahong mahina na ang kabihasnang Indus.