MGA PINAGKUKUHANAN NG LIKAS NA YAMAN SA ASYA
1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay
malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents.
Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro kwadrado.
Karugtong ng Karagatang Pasipiko
ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.
4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat
6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look
ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog
at Timog-Kanlurang Asya.
"Ipagmalaki ang ating yaman"
Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito? Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman. Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.
Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang katotohanan.
Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na talaga ang mga ito?
Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ati
Mga Anyong-tubig
Ang mundo ay may mahigit
na 70%
katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan,
marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa
looban nito.
1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay
malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents.
Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro kwadrado.
Karugtong ng Karagatang Pasipiko
ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.
2. Ilog - ito ang anyong tubig na
dumadaloy mula
sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at
Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.

|
3. Lawa - ito ay malawak na
anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo
nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo
4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat
5.
Golpo - ito ay malawak na
karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.
karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.
6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look
ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog
at Timog-Kanlurang Asya.
"Ipagmalaki ang ating yaman"
Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito? Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman. Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.
Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang katotohanan.
Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na talaga ang mga ito?
Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ati
Ang Kabihasnang Tsino
sa
Silangang Asya
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino
ang
pagkakaroon ng mahusay na pamamahala..
Ang pagkakaroon ng
mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism
at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang
nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga
pangyayaring ito ang
humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa
makabagong panahon.
HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO
Tulad ng Mesopotamia at India,
ang
kabihasnan sa China ay
umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog
na
ito ay nagmumula sa kabundukan
ng
kanlurang China at may habang
halos 3000 milya. Dumadaloy
ito
patungong
Yellow
Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito
ay dumadaloy
patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan
nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit
sa mahabang
panahon
at
humantong sa pagkakabuo ng isang malawak
na kapatagan,
ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba
sa lupa ngunit dahil sa
pagiging patag ng North China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar
na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi
matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang
unang pinuno
ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol
ang
pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay
nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala
ang mga Tsino na sila lamang ang
mga sibilisadong tao sa gitna ng
mga
tribo na
tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din
nila ang
kanilang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle
Kingdom.
Ang Sinaunang
Kabihasnan sa Africa
Isang sinaunang kabihasnan ang
nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas
naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng
3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago
pa
nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile.
Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga
sinaunang tao sa timog-ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak
o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang
ang
tinutukoy
na
Lower Egypt ay
nasa
bahaging hilaga ng lupain
o kung saan ang
Ilog
Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt
ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula
katimugan
patungong hilaga. Noon pa
mang unang panahon, ang
Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the
Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila
hinihiwa ng ilog
na ito ang bahaging
hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan
sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw
ng
ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos
ang
suplay ng tubig.
Sa Panahong Neolitiko, ang
taunang
pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay
nagdudulot ng halumigmig sa
tuyong lupain at nag-
iiwan ng
matabang lupain na
mainam para sa pagtatanim. Ang
mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-
baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang
maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang
mga sinaunang Egyptian ay
gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga
kanal upang padaluyin
ang
tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay
nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat
na teknolohiya, at maayos na mga plano.
Ang
pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay
na
ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon
ng
mga disyerto sa
silangan
at kanlurang bahagi ng ilog ay
nakapagbigay
ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito
ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay
nagawang makapamuhay
nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
Ang
Kabihasnan sa Mesoamerica
Maraming siyentista
ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa
Asya
patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak
ng
mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang
kauna-unahang kabihasnan
sa America --- ang
mga
Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
Hango ang
pangalang
Mesoamerica sa katagang meso
na nangangahulugang “gitna”. Ito
ang
lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America.
Ang
Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico
at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan
nito
matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago.
Samantala,
ang
katimugang hangganan
ay mula
sa
baybayin
ng
Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific
at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
Sa kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi
ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at
kanlurang bahagi
ng
Honduras.
Sa lupaing ito, ang
malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at
dalas ng pag-ulan ay
nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t
ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang
panahon sa
rehiyong ito.Dito naitatag
ang unang paninirahan
ng tao at isa ito sa mga lugar na
unang pinag-usbungan ng
agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.
Ang Kabihasnang
Indus sa Timog Asya
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na
nakasentro
sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang
Indus River sa kasalukuyang bansang
India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain,
may mainit na
klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay
ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon,
nakakuha
sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang
mga
produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.
Ang irigasyon ng lupa ay
mahalaga
sa pagsasaka ng mga
Dravidian. Nag-
aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante,
tupa, at
kambing.
Maaaring sila
rin ang kauna-unahang taong
nagtanim ng bulak at nakalikha
ng
damit mula rito. Mayroon din silang masistemang
pamantayan para sa
mga
timbang at
sukat ng butil at ginto. Samantala, ang
mga
artisano ay
gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus
ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga
tao. Nakatira sa bahagi
ng moog
ang
mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal. May mga
bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan
ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng
tao. Nagtatag
ng mga
daungan sa baybayin
ng
Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay
sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang
mga produkto tulad ng telang yari sa
bulak, mga butil, turquoise, at ivory.
Natagpuan din sa
Sumer ang selyong
Harappan na may pictogram na
pictogram na representasyon ng
isang bagay
sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang
mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang
kabihasnannoon pa
mang
2300 B.C.E. Kapuna-
punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang
kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan
ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000
B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.
May iba’t
ibang paliwanag ukol
sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol
o pagsabog ng bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro
at
Harappa ay nawasak dahil sa paglusob
ng mga
pangkat
nomadiko-pastoral mula
sa
gitnang
Asya,
kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang
mga
Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus. Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran
ng
Hindu Kush at nakarating sa Timog
Asya
sa pamamagitan
ng pagdaan sa Khyber
Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan
sa
lambak ng Indus. Dumating
ang mga Aryan sa panahong
mahina na ang kabihasnang Indus.